Sa Sentro 1771 dapat kame kakain, sa Greenbelt. Nag-crave kase ako sa lutong bahay. Puro de lata, fastfood at instant noodles lang kase kinakain ko netong mga nakaraang araw dahil nga sa ref naming sira. Kaya lang, rush hour daw kaya sa MOA na lang para medyo malapit dito.
Nung nasa MOA na kame nakita namin tong Mangan. Eh mukang ok yung menu nila kaya dito na lang. Maliit lang yung lugar. Tas may konting tables sa labas. Pag-upo namin binigyan agad kame ng libreng appetizer.
Nung nasa MOA na kame nakita namin tong Mangan. Eh mukang ok yung menu nila kaya dito na lang. Maliit lang yung lugar. Tas may konting tables sa labas. Pag-upo namin binigyan agad kame ng libreng appetizer.
Di ko gusto. Kamote kase. Patatas na lang sana. Eh si Kenneth gutom na daw sya kaya madami syang nakain na Pik-Nik kamote.
Tas dumating na yung mga inorder namin. Medyo gutom na din ako. Masarap. May konting anghang. Kumakain na ko ng maanghang ngayon. Hehe.
Napayatan ako dun sa bangus. Konti lang nung taba. Yun pa naman favorite ko sa bangus. Saka hindi malasa. Masarap pa din yung inoorder namin ni Jane sa Pixie's. Yung inihaw na bangus nila may tanglad (lemongrass) sa loob kaya sobrang lasa. Yun ang 5 stars.
Ang cute nung lalagyan ng rice nila. Busog naman. Busog na busog actually. Pero hindi masyadong satisfied kase di ganun kasarap. Di na siguro kame babalik dito. Tama na yung isang beses lang.
|
TOP FAVORITE SPOTS
|