Excited pa naman ako kase andami kong nababasa na magagandang reviews about Jamba Juice. Tas feeling healthy living pa ko ngayon kase isda yung dinner ko kanina. Mali lang talaga siguro yung inorder ko. Ba't pa kase eto ang napili ko. Nadisappoint pa tuloy ako.
Unang tikim ko pa lang, blech! Kung hindi siguro ako kumakain ng yogurt masusuka talaga ko. Peach Mango Topper is a fruit yogurt parfait (sabi sa menu) which consists of peach syempre, mango syempre, bananas, non-fat yogurt at soymilk. Ang nagustuhan ko lang eh yung banana slices at granola toppings. Tas yung pinaka-main event pa sa inorder ko ang di ko nagustuhan. Sama talaga. Pinilit ko nalang ubusin kase ang mahal, masasayang pa pera ko. Iniisip ko na lang habang kinakain ko yun na para sa healthy living ko to. Haha. Tas si Kenneth, tinatawanan lang nya ko habang pinapanood ako kumain. |
Mango Peach Topper
@ Jamba Juice
September 11, 2013