Since highly recommended to ni Mo, pinanood ko agad. Hindi na ko masyado nanonood ng movies ngayon kase andame ko pang tinatapos na series pero exception to. Nacurious kase ako sa mga sinasabe ni Mo. Sobrang ganda daw talaga tas hindi daw expected yung twist na nangyare.
Nakita ko tong pinapanood nila Pat pero hindi ako naging interesado. Napanood ko yung scene na ninakawan nila yung bangko pero hindi ako na-amaze. Parang ang imposible kase, parang hindi na magic. Di ko pa din kase alam kung anong kwento neto kaya di ko pinansin. Nanood na lang ata akong Naruto. Ang kwento, mga magicians sila tapos nagnanakaw sila ng pera, pero ginagamit nila sa mabuti. Parang Robin Hood kumbaga. May nag-utos sa kanila na gawin yun pero hindi nila alam kung sino. Basta ginawa pa din nila yung plano kahit wala silang kaalam-alam kung sinong mastermind. Tas may humahabol sa kanilang FBI agent (Mark Ruffalo, si The Hulk) pero mahirap silang hulihin since magic tricks nga yung ginagamit nila. Spoilers ahead. Apat silang magicians. They call themselves 'The Four Horsemen'. Nakakatuwa silang lahat. Parang ang boring lang ng character ni Henley (Isla Fisher - 'isla' ko to binabasa dati, 'ayla' pala pronunciation. haha.) kase parang wala sya masyadong personality. Pero nagstand out pa din sya kase solong babae eh. Natutuwa ko dun sa mentalist. Tas yung control freak (Jesse Eisenberg), nagagalingan ako sa kanya umacting. Tapos yung pinakabata sa kanila (Dave Franco) ang cute. Sya yung crush ko. Una ko sya nakita sa 21 Jumpstreet. Nung una, parang di sya masyado kasali. Ang konti ng lines nya tas wala sya masyado exposure. Tas dun sa action scene [1:17:20], sya pala yung bida dun. Kaya siguro hindi sya masyado inexpose nung una. Nasurprise ako dun sa scene na yun. Ang galing pati ng pagkakagawa. Inulit ulit ko pa nga yung scene na yun. Tas may scene pa na naaksidente sya sa car chase tas namatay sya. Pero anlakas ng feeling ko na buhay pa sya tas yun buhay nga. May isa pang kontrabida, yung dating sikat na magician tapos ang trabaho na nya ngayon eh sya yung nag-eexpose ng mga magic tricks na pinapalabas sa TV. So kalaban sya nung 'Four Horsemen' kase mabibisto sila kung pano nila nananakaw yung mga pera. Parang humingi ng tulong tong si FBI agent kay laos na magician. Sa buong movie, sinusubukan hulihin ni FBI agent tong apat na to tas nakikigulo pa si laos na magician. Tapos sa kahuli-hulihan, (eto na ang twist) si FBI agent pala tong master mind ng lahat. May galit pala sya kay laos magician tas parang revenge nya yun sa nangyare sa tatay nya. Nakulong si laos magician. Sa huli, may pinakitang sneak peek preview nung sequel (2014 ipapalabas). TRIVIA:
Si Amanda Seyfried pala dapat yung female lead. Hmm baka masyadong mahal ang presyo ni Amanda kaya si Isla na lang. Tapos instead na si Mark Ruffalo, si Jake Gyllenhaal pala dapat pero nagdecline sya. Haha nagsisi siguro sya kase box office hit yung movie. FAVORITE QUOTES: [50:50] Merritt McKinney: If by "has-been" you're referring to me, I just wanna say I'm flattered, because I always considered myself a never-was. [30:50] J. Daniel Atlas: Let me warn you. I want you to follow, because no matter what you think you might know, we will always be one step, three steps- seven steps ahead of you, and just when you think you're catching up, that's when we'll be right behind you. And at no time will you be anywhere other than exactly where I want you to be. So come close, get all over me because the closer you think you are, the less you'll actually see. [11:57] J. Daniel Atlas: [showing their cards] I got Lover. Henley Reeves: [coughs] 3 minutes. [1:17:58] Dylan Rhodes: You little shit! Jack Wilder: YOU little shit! |
Now You See Me
September 20, 2013