nanaykongtitserTitser..
Teacher, according kay Ate Mirriam is: A person who teach; a profession that instructs. Para sakin? Titser? Ay si Nanay yan. Whenever I make fun about Nanay and her profession, I would always tell her that, “Ay ang ginagawa mo lang naman dun eh pilitin ang studyante mo na bumili ng mga binebenta mo..” Then I’ll laugh. Well she wouldn’t take it seriously, instead she would reply, “Ay kung wala yang mga binebenta kong yan wala kang hihinging pampaload sa akin, masampal kita jan!” Just to give an image of what Nanay as a titser is, sya yung typical loving, caring and calm na titser natin in grad school… JOKE! Ahahahahaha. Remember yung first day mo sa school and you almost died crying because of separation anxiety? Tapos may isang titser na lalapit sayo not to comfort you, but instead, pandidilatan ka nya ng mata para tumahimik sa pagiyak. Yan si Nanay. Every student knows her for being the ambassador of katarayan. Well, even her co-titsers are itimidated by her personality. Maraming nagsasabi na alam lang nya ay maging mataray sa lahat ng bagay na mapupuna nya, pero for those that really know her, alam nila na sobrang bait nyang tao (If she will be a saint, siguro she’ll be the saint of all naggers.. Pwede...) Now let me go back on her profession, she handles gradeschool. Grade 2 or grade 3 ata. Everytime na pupunta sya samin sa Lucena para bisitahin kami, meron na agad syang isang mahabng listahan ng mga bibilhin nyang paninda sa Lucena na ipapa “Project” daw nya sa mga studyante nya. Listahan:
Tanong: Ano kayang project ang ipapagawa ni Mam? Yellow pad + DMC + colored paper = Ah baka handbag na gawa sa papel with DMC handle Teka teka pwede ba yun? Yellow pad + DMC + colored paper + ballpen + pencil = Ah, eh kumikitang kabuhayan When I asked her about those items that she buys whenever she visits us, she replies, “Ay san ako kukuha ng pampaload mo, masampal kita jan!” Kahit mukhang joke, malaking tulong ang nagawa ng pisong yellow pad sakin. Naisip ko nga, being a public titser doesn't stop on what they teach in the classroom. For me, they make a difference, not just on the lives of those students, but on their career as well. Ang tamang tawag ata sa kanila ay titser entrepreneur. "Kahit mukhang joke, malaking tulong ang nagawa ng pisong yellow pad sakin."
Well, hindi dun natatapos ang pagiging business woman ng nanay ko, natatandaan ko nung sa “Mababang Paaralan Ng San Francisco” or “Malaking Iskul” pa ako pumapasok, every Sunday afternoon, katulong ako ni Nanay sa pagtatali ng mga plastik ng ice candy na ibebenta nya sa sumunod na linggo. Ice candy na piso ang isa na may iba't ibang pleybor. Mayrong Milo, Eight o’clock, at kung anu anu pa. Pagtapos kinaumagahan bago ako pumasok, lalamnan ko na yung istayro ni Nanay ng mga ice candy para ipadala dun sa mga iskwela nya papuntang iskul. Panalo! Bakit? Kasi hindi dumadaan ang isang araw na hindi nauubos ang paninda nyang ice candy.
Business 101: A businessman or woman should have a strategic plan before starting Kapag alam na ni Nanay na patapos na ang hapon at madami pa ding ice candy sa styro, dito na pumapasok ang marketing strategy na sinasabi ko. I-aanounce nya ngayon sa mga istudyante nya na kung sinong bibili, magkakaron ng extra puntos sa mga grade nila kay Mam. Unfair… Pano yung mga wala nang baon? Aba'y pwede namang umutang at bukas na lang babayaran. LOL. Yan ang negosyo. Hahaha. But having said all of that, I have a huge respect to all teachers, syempre specially kay Nanay. Tama yung sinasabi nila na, it is more of a vocation than a profession. I salute their hard work towards helping everyone to achieve their dream. Kaya naman mahal na mahal ko si Nanay eh. Reach Nick @
|
Recent Posts
|