Naadik nga pala ko sa Flappy Bird netong mga nakaraang araw. Napaka-controversial nung laro to the point na tinanggal sya sa mga app stores nung gumawa ng game. Ang statement nya eh, "I can't take this anymore." Di ko nabasa yung buong article pero may ganyang effect. Meron pa daw nagpatayan na magkapatid kasi nagpapataasan ng score. Ewan kung totoo. Wag naman sana.
May nabasa pa ko na may nag a-auction daw ng iPhone na may naka-install na Flappy Bird. Kakaiba talaga ang rabies ni Flappy Bird.
Mejo average yung galing ko. 76 best score ko. Mayabang na ko nyan. Haha. Kaya bigla ko to naalala kasi may nakita ko sa Tumblr na link ng Flappy Bird. Pero iba. Multiplayer. Kasabay mo maglaro yung mga currently na naglalaro so makikita mo din yung progress nila. Mejo iba yung movements ni Flappy Bird dito kaya medyo mahirap laruin.
May isa pa kong kwento. Kahapon nakakatamad magluto. Tas dun sa Breaking Bad na pinapanood ko, may nakita ko kumakain ng fries. Eh di nagcrave ako sa fries ng KFC. Nagpadeliver ako. Pagcheck ko, hindi cheezy bacon bucket fries yung dumating eh nakaalis na si kuya rider. Yung regular na bucket fries lang yung dala ni kuya rider. Eh di kinontak ko KFC, nagrespond naman. Papaltan na lang daw nila. After mga 20 minutes ayan na si kuya. Inabot ko yung regular na bucket fries, tas kinuha ko na yung tamang order ko. Tas maya-maya inaabot nya uli sakin yung regular na bucket fries. Ok na daw yun. Dami ko tuloy fries. Di ako masyado natuwa. Wala kasi ako kasama dito sa apartment nag-uwian ang mga tao. Tas nabusog na ko dun sa fun shots at rice na kinain ko habang naghihintay kaya di ko na nakain yung fries. Kahit isang piraso wala ako nakain. Ngayon na lang. Breakfast at lunch.