Nakakainis talaga. Yun ang paulit ulit ko na sinasabi nung nasa ospital ako. Naiinis ako sa nangyare. Naiinis ako na nasa ER ako, puro sugat, puro pasa, tas may hiwa pa ko sa braso. Tangina talaga yung holdaper na yun. Kahit wala syang nakuha sakin, ako naman ang may nakuha sa kanya. Yung mga sugat, pasa at hiwa, yun ang nakuha ko. Ang pinaka nakakainis pang nakuha ko sa nangyare, yung trauma. Ganito palang matrauma. Madalas hindi ako mapakali. Kahit tirik ang araw, maglakad lang ako na mag-isa at konti ang tao, feeling ko may manghoholdap nanaman sakin. Nakakainis yung pakiramdam na feeling ko, anytime soon eh mahoholdap nanaman ako. Ang sama sa pakiramdam nung lagi kang takot. Kaya nga pinipilit kong di na lang isipin. I-distract ang sarili. Susubukang itago na lang sa subconscious mind ko.
Pero nakakainis pa din talaga. Pag naiisip ko sya, hindi yung nakaladkad ako o yung nahiwa ako ang nagpapakaba sa dibdib ko. Everytime na naiimagine ko yung sinabihan ako nung holdaper ng "Holdap to", dun bumibigat. Tapos bumabalik na lahat. Hindi ko din kase alam kung bakit hindi ko na lang binigay yung bag ko. Ewan ko talaga.
Kase kung babalikan ko yung nangyare, baka ibigay ko na lang talaga yung bag ko. Tapos, tapos na. Aangkas na sya dun sa motor nila nung kasama nya. Tapos yun na. Wala nang kaladkaran at hiwa hiwang magaganap. Wala nang pagiyak ng pasigaw at paghingi ng tulong na mangyayare. Kung binigay ko na lang yung bag ko, hindi ko na kailangan pumuntang ospital para ipatahi yung hiwa ko na dugong dugo. Tapos hindi magaamoy tae yung damit ko kase hindi na ko mapapadapa at makakaladkad sa kalsada dahil sa pwersa ng paghila nya sa bag ko. Hindi mangyayare lahat nang yun kung nakipag-cooperate ako dun sa holdaper. Eh wala na, nangyare na. Yun yung naging reflex ko nun. Ang higpit talaga ng kapit ko dun sa bag pulang pula yung palad ko after. Eh bute na lang may tumigil na taxi at talagang bumaba pa yung taxi driver kaya nagpanic si kuyang holdaper, tumakbo na sya.
Sayang nga. Hindi ko nakuha man lang yung pangalan ni manong taxi driver nang nakapagpasalamat man lang ako ng maayos. Walang kwenta yung mga Caltex boys, alam kong dinig nila kong nagsisisigaw wala man lang lumapit. Bute na lang talaga. Salamat talaga manong kung nasan ka man.