Galing nga pala kong Glorietta kahapon. Kase magcacanvass ako ng oven para sa baking hobby ko. Haha. Seryoso talaga ko sa pagbbake. Gusto kong gumaling. Kaya nga yung bibilhin kong oven eh yung maganda-ganda na. Budget ko nga lang dapat 2k+. Eh nung nakita ko yung itsura, parang wala akong tiwala. Yung ok na nakita ko, 5k.
In fairness bumangon naman sya. Kinatok na nya si Pat. Sabi ni Pat umaambon daw so parang hindi na sya sasama. Bumaba ako para i-check, hindi naman umuulan. So sabi ko dun sa isa, kami na lang. Kahit 15 minutes lang kase motivated talaga ko. Andami nang dinahilan, kesyo:
- Uulan - Sabi ko hindi yan.. Mabilis lang pati kame kahit 15 minutes lang
- Basa daw ang kalsada- Sabi ko, ano naman hindi naman maputik. Maano ba yung matalamsikan ng konting tubig. Grr.
- Malamig daw, hindi daw kame pagpapawisan - Wow. Speechless na ko.
Sa madaling salita, ayaw nya. Pinipilit ko pa din sya tapos naiinis na ko. Napakadami kaseng dahilan. Sabi ko, "Tinatamad ka lang." Tas magjogging na lang daw ako sa hagdan. Kabadtrip eh. Dahil nababadtrip na talaga ko, nagbihis na ko ng pangjogging. Bahala sya magjjogging ako mag-isa. Wala akong pakelam kahit wala akong kasama. Tas bumalik na sya sa pagtulog. Napaka-talk shit eh. Umagang umaga.
Back to Glorietta
Pagdating ko dun kumain akong BonChon. Ano daw kinain ko? Syempre salad. Healthy living nga eh. Haha. Sarap talaga nung Crispy Chicken Oriental Salad nila tas sasamahan ng Iced Tea. Syempre yung Lite Iced Tea pinili ko. Parang Coke Light lang. Haha. Yun lang talaga pinunta ko sa Greenbelt 1. Para sa BonChon. Nung papunta na kong Glorietta, napadaan ako sa Benefit sa Greenbelt 5. Naalala ko, magpapaayos nga pala ko ng kilay. Kahit mahal sya (Php 500), naisip ko, isang beses lang ako magpapagawa tas i-mmaintain ko na lang. Hindi kase ako magaling mag-shape ng kilay kaya ipapa-shape ko sa kanila tas ako na. Sila ang "brow expert" eh. Pero may binigay sila sakin na baka mapabalik ako.
Tapos, pagkatapos non, pumunta na kong Glorietta. Naisipan kong mag-cupcake sa favorite kong cupcake-an. Sa Cupcakes by Sonja. Nadisappoint ako. Bakit? Kase..
Tapos yun naghanap na ko ng oven. Pumunta kong food court kase bibili akong surprise Xiao Long Bao nung isa. Kunwari wala akong pasalubong pero meron naman. Tapos gagalitin nya ko ngayon matapos kong magpaka-sweet.
Back to jogging
Nakakatuwa magjogging kase andame mo din makakasabay. Ang daming lolo. Haha. Pero mas strong sila sakin. Anlayo ng jina-jog nila. Ako pagod na pagod na, naglalakad na lang ako, tas sila todo pa din ang takbo. Haha. Yung iba kong nakasalubong mga nagbbike naman. Halos puro lalake nga lang, isang babae lang yung nakasalubong ko tas matanda na din. Medyo nasha-shy ako ng konte nung una pero mas ok na yun. Parang mas mahihiya ako pag mga kasing-age ko yung mga nakakasabay ko tas may mga kasama sila tas ako solo flight. At least sila mga lolo lang sila, wala silang pakealam. Nakakatawa pa yung isang lolo, nung nagkasalubong kame binati ako ng, "Good morning!" sabay super ngiti si lolo wala namang ngipin. Hahaha. Mejo nawala na ang bad vibes ko.
Nakakapagod. Halos 30 minutes din ako nagtatakbo dun sa subdivision ng Magallanes. Super bilis kong mapagod. Ang galing nung mga lolo natalo pa ko.
Papayat na ko. Yes! :D
Eto ang naging motivation ko. Nabasa ko sa Pinterest.