- Nag-apply na kame ng visa *fingers crossed*
- Mukang matutuloy naman yung HK namin ng Mama kase nagbook na kami ng hotel at nagpaalam na din sya sa Papa
- Na-dissolve na yung team namin. Not completely pero parang ganun na din kase isa na lang yung natira sa team namin. Yung lima nalipat na sa ibang process. Guess what sinong natira. *ehem* Nung una sobrang ka-sad na ako lang natira pero madami din pala naging advantages.
- Hindi na ko makakabili ng GoPro due to lack of funds. Hindi na din ako nakabili nung X-T10 due to, again, lack of funds. Kaya ang binili ko na lang eh yung X-A2 ng Fuji din kase yun lang kinaya ng budget. Pero nagresearch pa din ako kung ok ba sya at ok naman sya based sa mga reviews. Ang pinaka hindi ko lang nagustuhan sa kanya eh hindi pwede gawing remote ang mga mobile devices. Kainis. Perfect na sana.
Huhu sana talaga ma-approve visa namin. Kakainis naman kung hindi. Dapat pala di muna ako bumiling camera. Kase kung di kame ma-approve, yung X-T10 na lang sana binili ko.
May pinapanood nga pala kong bagong TV series (bago sakin). Yung Entourage. Matagal na sya naka-download sakin ngayon lang ako sinipag panoorin. Ok naman sya. Isang episode na lang tapos na ko sa season 1. Sa mga hindi pa nakakaalam, tungkol sya sa isang famous actor kasama yung dalwang highschool friends nya at yung brother nya na gusto din maging sikat na actor. Lagi silang magkakasama kahit saan. Parang yung mga buhay nila eh nakadepende sa career ni famous actor. So far sikat pa din naman sya sa season 1.