Moving on, hindi ako nagsisi na pumunta, kase ang FUN. May games tas may videoke. Halos lahat kumakanta. Tas nung medyo nagkakatama na lahat, ang saya lalo.
Karamihan sa mga fun events ay nangyayari during this month. Kaya tingin ko, December na talaga ang most favorite month ko. At saka birthday ko din, December. Pag parating na ang December, expected mo na ang madaming christmas parties at reunion ng mga friends na matagal mo nang hindi nakikita. Kaya looking forward ako pag December na. Eto rin yung month na kahit hindi mo birthday (sa case ko birth month ko to), makakatanggap ka ng gifts. Although magastos din kase ikaw mismo magbibigay ka din. Pero masaya pa din ako kase yung gifts na binigay ko sa mga bulilit eh nagustuhan nila. Sulit yung niregalo ko sa kanilang Play Doh kase hindi nila tinitigilan. Tas kinabukasan, pag gising na pag gising ni Illysa at Isabelle, yun agad ang hinanap. Kaya ang sarap sa pakiramdam :) Tas December 26, christmas party naman ng Merene-Ramiro. Medyo mas fun neto kase dumami na yung mga bata (at isip bata). Nagpalaro tas nagmusay. Nakakatawa kase pag sa musayan, walang talo talo. Magkakaaway lahat. May nananapak, may nagda-dive, may nangingiliti para lang sa barya barya 😄 After dito, pumunta naman akong Lucena. May lakad kami ni Xali. Pero hindi na natuloy yung original na lakad kase andun din sina Gel at Jan. Kumain muna kaming palaisdaan kasama din sina Hudas, Ferdie at Ian. Catch up catch up (showbiz linggo day!) tas dumiretso kami sa gym ni Ferdie. Dun na kami naginom. Hindi masarap yung red wine pero enjoy naman dun sa isa 😉👌 Kinabukasan pa (Dec 27), Stopus X-mas party naman. Nagdadalwang isip pa ko umattend pero nung nabadtrip ako nung nasa Come Shot kami nila Kenneth kase may epal na mayabang na tangang babae dun (muka mo kaya ang sunugin ko?!), nagpahatid na ko kila Asi. Next time talaga papatulan ko na yun. Hindi naman nya ko inaano pero sobrang iritang irita lang talaga ko sa kanya. Kala mo sya ang may ari nung bar. Moving on, hindi ako nagsisi na pumunta, kase ang FUN. May games tas may videoke. Halos lahat kumakanta. Tas nung medyo nagkakatama na lahat, ang saya lalo. Kaya lang, ang pangit nung ending. Haha. May mga dumating kaseng outsiders. Eh syempre nagkailangan na. Hindi ka na maka todo ng galaw. Kaya yun, natapos agad yung party. Pero sa kabuuan, super nag-enjoy pa din ako. Looking forward for next year :) Basta wala nang eepal. Stopus christmas party nga eh.
0 Comments
|
Gleniz Da Menace27 y/o Archives
November 2019
Categories
All
|